United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't n~gayong panay na "wala po" ang isinasagot sa kanya n~g tagadalang-sulat kailan pa ma't ito'y kanyang abatan sa pagdating at pagtanun~gan n~g bagay na inaantabayanan, ayawayaw man niyang maghinala ay hindi rin siya makalaban sa sarisaring bintang na naguumukilkil sa kanyang ulo.
At buhat noo'y hinintay na niya arawaraw ang pagdating n~g tagadalang-sulat na magaabot sa kanya n~g pan~gako ni Elsa, o kaya'y ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong n~g gusaling kanyang tinatahanan.... Ang makata ay nabigo na sa paghihintay n~g sulat ni Teang, ¿sa paghihintay n~g postal o sa pagtelepono naman ni Elsa ay mabibigo pa rin kaya siya?... ¡Karnabal!
Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si Martinez at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni Elsa. Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad n~g biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay Teang.