United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ni ang mga kamalian man ng pagkakalimbag sa siping nasa aming kamay ay di rin napag-usapan. At ang lahat nang kaibhang iyan at kamalian ay siyang naging sanhi ng mga paliwanag namin sa dakong huli. Maynila, 10 Septiembre 1921. -Alberta Balmaseda, asawa ni Victor, namatay noong Marso, 1921. at

"sa gauâ at uica,i, mahuhulihan". Ganito rin, sa malas, ang na kay De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nahuhulihan" ang nasa mahuhulihan". "n~g magandang asal ng amá co,t, ." Maliwanag na kamalian ng kahista ang "", na dapat basahing "iná". "Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ". Kay P. Sayo ay may pang-ugnay na "y" ang "anaqui"; at ito'y mapaghahalatang mali.

"Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig sa catiyaga-an ang púsong matipíd". Sa iba ay "nang pusong matipid" ang nakalagay, na isang tunay na kamalian. Kaya, naging patumbalik. Ang napalarang daigin sa katiyagaan ni Aladin ay ang pusong matipid ni Flerida. Kaya, tama ang "ang".

At mali, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong saad: "Salamat at niyaóng sa quinabucasan hucbo co,i, lalacad sa Crotonang bayan"; kaya, tama ang "Dumating ang búcas". Hindi dapat baguhin. ALIU. Maliwanag na kamalian. Tama ang "alin" na nasa "Kun sino ..." at kay P. Sayo. AROPOS. Maliwanag na kamalian ng limbagan. "Atropos" ang ibig sabihin.

"Halos nabibihay sa habág ang dibdib". Sa iba't iba ay pawang "nabibihag" sa lugal ng "nabibihay" ang nakalagay. Na, isang tunay na kamalian. Tama ang "bihay". Sinsay ang "bihag". At ang kahulugan ng "bihay" na isang salitang lipas na ngayon ay "punit", bagama't lalong matindi sa rito. Sa ngayon ay katimbang na ng "waray".

Ang "Florante" pa nga ba ang di mapapakintal sa kanilang ulo? At ang "Floranteng" nalalaman nila at mapahangga ngayo'y sariwa pa sa isipan ay isang saling ayon din sa kanilang ama ay siya niyang tunay na gawa. Dito natin mapagkukuro kung bakit walang kamalian sa mga huling labas ng "Florante", na di ang di mapupuna nila.

Hindi dapat kaligtaang ang "ka" ay siya ring ginamit nina Del Pilar, sa pakling "Caiigat cayo!", bilang tugon sa munting aklat ni Fray Rodriguez, na "Caiingat Cayo!" laban sa mga aklat ni Rizal at iba't iba pa. DUQUE ADOLFO. Ang "duque" ay isang maliwanag na kamalian ng limbagan. Si Adolfo ay "Conde". Hindi "Duque".

Isa pa ring "malabalagtas" na sukat iyan na di nagpipitagan sa "kumpas ng ortograpia" kundi sa "kumpas ng prosodia". "pailag-ilagang parang baselisco". Sa "Kun sino ..." ay "t" ang nakaugnay sa "pailag-ilagan", na isang tunay na kamalian.

Kaya, ang "saglit-saglit" sa tulang: "dini sa li-ig co,i, cusáng isasabit tuhog na bulaclac sadyang saglit-saglit" ay isang kamalian lamang ng "salit-salit" na napasukan lamang ng "g", at ang kamaliang iyan ay hindi na nabago, nanatili na sa habang panahon, hanggang sa dahil nga sa kabunyian ng "Florante" ay naging sanhi na tuloy ng pagkakaroon ng kahulugang gaya rin ng "salitsalit" o "sarisari".

"hangad na lumauig". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay naging "ang" ang "na". "Bago mo hatulang catcatin at lico". Sa iba ay ganito naman: "Bago mo hatulan katkatin at liko"; walang pang-ugnay o ligazon "g". Kaya, naging garil. "luasa,t, hulo". Kay P. Sayo ay "lasa,t hulo" na isang maliwanag na kamalian.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap