United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
"hangad na lumauig". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay naging "ang" ang "na". "Bago mo hatulang catcatin at lico". Sa iba ay ganito naman: "Bago mo hatulan katkatin at liko"; walang pang-ugnay o ligazon "g". Kaya, naging garil. "luasa,t, hulo". Kay P. Sayo ay "lasa,t hulo" na isang maliwanag na kamalian.
Tungkol sa "anaqui,t," may ligazon "t" ay ito ang tanging "anaqui", na ginamitan ng pang-ugnay ni Balagtas, sapagka't talagang garil, pag hindi linagyan. Hindi nga maaaring sabihin ang: "Pag ibig anaqui aquing naquilala".... subali't sa iba't ibang nasangkapan ng katagang iyan ay hindi nangailangan ng ano mang pang-ugnay ó ligazon .
Tungkol sa "aquing", sa tulang: "Dî binig-yang daang aquing pang mabunot ang sacbat na cáliz at maca-pamoóc"... ganito rin ang nasa "Kun sino ...", samantalang kay P. Sayo ay ganito naman: "Dî binigyan daan aking pang mabunot" ... na lalong naging garil. Nguni't kay Balagtas nga kaya iyang kalakuerdang iyan ng mga pang-ugnay?