United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tungkol sa "sagli-saglit" ay di kaya kahalintulad iyan ng salitang "hugos"? O lalong maliwanag: ang "g" kaya riyan ay di katulad lamang ng "g" sa "hugos" na naging isa lamang kamalian, at kamaliang sa bisa rin ng kabunyian ng "Florante" ay nagkaroon na tuloy ang "saglit" ng kahulugang walang pinag-ibhan ngayon sa "salit"? Walang pinag-ibhan, ang aming sabi, at ang ganito ay di lubhang wasto.
Kaya, ang "saglit-saglit" sa tulang: "dini sa li-ig co,i, cusáng isasabit tuhog na bulaclac sadyang saglit-saglit" ay isang kamalian lamang ng "salit-salit" na napasukan lamang ng "g", at ang kamaliang iyan ay hindi na nabago, nanatili na sa habang panahon, hanggang sa dahil nga sa kabunyian ng "Florante" ay naging sanhi na tuloy ng pagkakaroon ng kahulugang gaya rin ng "salitsalit" o "sarisari".