United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sino sa atin ngayon ang makapagsasabing tahasang hindi isang salitang bago ang "hugos", na umuri lamang sa "hunos"? At sino sa ating nagsisipagsuri ngayon sa wika natin ang makapagpapasinungaling sa maaaring sapantahain ng kahi't sino, na iyang "hugos" ay isa lamang kamalian ng "hunos", at dahil sa napapasok at nagkasalin-salin na sa iba't ibang palimbag ng "Florante" ay naging palasak na tuloy at naging isa nang wastong salita, dahil sa bisa ng kabuniyan ng "Florante"?
Tungkol sa "sagli-saglit" ay di kaya kahalintulad iyan ng salitang "hugos"? O lalong maliwanag: ang "g" kaya riyan ay di katulad lamang ng "g" sa "hugos" na naging isa lamang kamalian, at kamaliang sa bisa rin ng kabunyian ng "Florante" ay nagkaroon na tuloy ang "saglit" ng kahulugang walang pinag-ibhan ngayon sa "salit"? Walang pinag-ibhan, ang aming sabi, at ang ganito ay di lubhang wasto.
Sino ang makatitiyak, na noong panahong yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng "hugos" ang katagang "hunos": katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay ibig sabihin, magpahangga ngayon?