United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sino ang makatitiyak, na noong panahong yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng "hugos" ang katagang "hunos": katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay ibig sabihin, magpahangga ngayon?
Na, sa salitang iyan ay maipapalit ang "dapyohan" pagka't siya ring kahulugan, at iisa rin naman ang "dapyo" at "dampiyo"? Maaari nga; nguni't sino ngayon ang makatitiyak kung alin ang ginamit ni Balagtas?
RUBE. Sa aming sipi ay "rube" ang nakalagay, at hindi "rubí" gaya ng nasa iba. Walang makatitiyak kung alin ang katotohanan, bagama't ang "rubi" ay siyang wasto't tama. BINALAT-CAYO. Sa aming sipi ay may "capucha" o kudlit na biglang paimpit ang "yô"; kaya, tumutunog na pabigla at paimpit sa lalamunan ang pagbigkas.