United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Cong pag saulang cong basahin sa isip". Sa palimbag ni P. Sayo ay ginawang: "Kung pagsaulan cong basahin sa isip", at ganito rin ang sa "kung sino ..." Ang "cong" sa unahan ay ginawang "kung", at ang "pag saulang cong" ay itinumpak sa wastong kaparaanan ng pagsulat ngayon.

Maaaring sabihin, pagka't siya namang totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang "Kun sino ..." na siyang kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang "Florante" nina G. Alfonso Mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni G. P. Sayo at ang kay G. De los Santos ng sapagka't kaharap na lamang namin ngayon.

"Ano pa n~gayóng gúbat na malungcót". Magkakabit ang "n~gayaóng": maliwanag na kamalian. Sa "Kun sino ..."ay "ano pa ngat yaong ..." at sa palimbag ni P. Sayo ay "ano pa at ayaong" ...

Pardo de Tavera. Sa palimbag ni G. P. Sayo balo ni Soriano, nang 1919, ay "nangyayari" rin ang nakalagay, gaya rin ng inihayag ng pahayagang "Katwiran" dahong tagalog ng tagapamansag ng mga naging pederal o progresista noong Oktubre ng 1903.

QUINALALAGUI-AN. Sa "Kun sino ..." ay kinalalagian" din ang nakalagay; subali't sa palimbag ni P. Sayo ay "kinalalagyan", at ganito rin sa malas ang kay De los Santos pagka't "en el Makati río donde se reflejaba" ang pagkakakastila niya.

Hindi nga lamang "ualang" ang napapaiba, kundi gayon din naman ang "bago,i," na sa iba, ay walang pang-ugnay. "Bago" lamang ang nakalagay, gayon sa "Kun sino ...", gayon sa palimbag ni P. Sayo. Tungkol sa "uica,i," sa sabing: "cundî ang uica,i, "icao na umagao" ... ay lainlangan kami sa aming sipi.

Ano pa nga't kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni G. Sayo, at ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang na pagkakaiba. Ang sa "Kun sino ..." ay tila sipi sa "Florante" o sumag sa iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera, na binago nga lamang ang pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap