United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ano pa nga't kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni G. Sayo, at ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang na pagkakaiba. Ang sa "Kun sino ..." ay tila sipi sa "Florante" o sumag sa iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera, na binago nga lamang ang pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia.

Pakingan naman natin n~gayón ang salitâ n~g pahám na manunulat na castilang si D. Wenceslao E. Retana: "Pagcatapos anya nang maiclíng casaysayang ito, na nagpapakilala n~g isáng culabóng sinag n~g malakíng pangguiguilalás n~g gayong caraming lubhang maririlag na m~ga tao, man~gan~gahás camíng isumag ang pasiyang sinabi sa Gobierno tungcól cay Rizal n~g Excelentísimo Señor Don Nicolás Peña, Auditor n~g Ejército n~g Filipinas. Alinsunod sa sinabi n~g guinoo, si Rizal ay isáng pan~gahás na hindî man lamang marunong sumulat at hindî maalam mag-isíp ísip.... ¡Lakíng kahapishapis na caibhán ang namamasdan sa pasiya n~g Guinoong Peña, na caya lamang kilalá ay salamat sa "Anuario Militar n~g España", sa m~ga pasya n~g m~ga Virchou, n~g m~ga A. B. Meyer, n~g m~ga Kern, n~g m~ga Blumentritt at n~g lubhang maraming m~ga pantás na hinahan~gaan at bantog sa boong sinucob! Datapuwa't lalo n~g kahapishapis ang isa pang pagcacaiba: ang sinasalitâ n~g "La Independencia" sa canyang pagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g boong sancataohang may magandang asal n~g maalaman nila ang pagcamatay ni Rizal ... "Laking kaibhang-anang "La Independencia" n~g ganitong pagpapakita n~g sancataohan n~g canyang pagpipighatî sa pagpatáy cay Rizal, at yaong "sayáw sa m~ga patay" na guinawâ n~g m~ga castíl

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap