United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pinabantayán n~g Excelentísimo Señor Don Camilo Palavîeja, Teniente General n~g Ejército n~g España at Gobernador at Capitan general n~g Sangcapuluang Filipinas ang libin~gan ni Dr. Jose Rizal sa loob n~g labing limang araw at labing limang gabi. Limampong sundalong castíl

Pakingan naman natin n~gayón ang salitâ n~g pahám na manunulat na castilang si D. Wenceslao E. Retana: "Pagcatapos anya nang maiclíng casaysayang ito, na nagpapakilala n~g isáng culabóng sinag n~g malakíng pangguiguilalás n~g gayong caraming lubhang maririlag na m~ga tao, man~gan~gahás camíng isumag ang pasiyang sinabi sa Gobierno tungcól cay Rizal n~g Excelentísimo Señor Don Nicolás Peña, Auditor n~g Ejército n~g Filipinas. Alinsunod sa sinabi n~g guinoo, si Rizal ay isáng pan~gahás na hindî man lamang marunong sumulat at hindî maalam mag-isíp ísip.... ¡Lakíng kahapishapis na caibhán ang namamasdan sa pasiya n~g Guinoong Peña, na caya lamang kilalá ay salamat sa "Anuario Militar n~g España", sa m~ga pasya n~g m~ga Virchou, n~g m~ga A. B. Meyer, n~g m~ga Kern, n~g m~ga Blumentritt at n~g lubhang maraming m~ga pantás na hinahan~gaan at bantog sa boong sinucob! Datapuwa't lalo n~g kahapishapis ang isa pang pagcacaiba: ang sinasalitâ n~g "La Independencia" sa canyang pagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g boong sancataohang may magandang asal n~g maalaman nila ang pagcamatay ni Rizal ... "Laking kaibhang-anang "La Independencia" n~g ganitong pagpapakita n~g sancataohan n~g canyang pagpipighatî sa pagpatáy cay Rizal, at yaong "sayáw sa m~ga patay" na guinawâ n~g m~ga castíl