United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
QUINALALAGUI-AN. Sa "Kun sino ..." ay kinalalagian" din ang nakalagay; subali't sa palimbag ni P. Sayo ay "kinalalagyan", at ganito rin sa malas ang kay De los Santos pagka't "en el Makati río donde se reflejaba" ang pagkakakastila niya.
"O tacsil na pita sa yama,t, mataás!" Itong huling kataga ay naging sanhi ng isang pagtatalo noong araw. May nagsasabing kasingkahulugan ito ng "mápataas" at may nagsasabi namang katimbang ng "matayog", kasalungat ng "mababa"; nguni't sa paano,t, paano man ay tama, at siyang ibig sabihin ni Baltazar, ang pagkakakastila ni De los Santos, na "poder"; lakas, kapangyarihan.
"at di mananacao". Kay P. Sayo ay ganito rin. Hindi "na di mananakaw" gaya ng nasa "Kun sino ..." At mapaghahalatang ayon sa pagkakakastila ni G. Epifanio de los Santos sa "Florante", na anya'y: "y que no será robada" ay "at" din at di "na", ang nasa sulat-kamay ng "Florante" niyang inihulog sa tagalog sulat-kamay na ayon din sa kanya ay sipi sa lumabas noong 1853.