United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nguni't sa katotohanan ay iba ang "saglit" at iba naman ang "salit". Ang una ay kasinghulugan halos ng "sandali", bagama't ang "salit" ay kasingkahulugan naman ng "halo", o ng "kasama", o ng "ibaiba".
ang "digma" riyan ay di siyang nalalaman natin ngayon, kundi kasingkahulugan ng "hukbo", sapagka't hukbo lamang ang maaaring kumubkob sa isang siudad. At maliwanag na hindi kasingkahulugan ng "guerra", gaya ngayon, sapagka't sana ay hindi na ginamit ni Balagtas ang salitang "guerra".
"O tacsil na pita sa yama,t, mataás!" Itong huling kataga ay naging sanhi ng isang pagtatalo noong araw. May nagsasabing kasingkahulugan ito ng "mápataas" at may nagsasabi namang katimbang ng "matayog", kasalungat ng "mababa"; nguni't sa paano,t, paano man ay tama, at siyang ibig sabihin ni Baltazar, ang pagkakakastila ni De los Santos, na "poder"; lakas, kapangyarihan.