United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Biglang natilihan ang tinurang nurse nang marin~gig ang sabi n~g mestisa. "¿Sino ang tunay na asawa n~g lalaking ito?" ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki n~g mangha. ¿Ano n~ga ba ang maipaglilingkod? ang tanong pa ni Elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda. Maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy.

¡Si Tirso Silveira! ¡Ang aking asawa! ... ¡Ay Tirso! ¿Nasaan ka n~gayon? ¡Parito ka't lin~gapin mo ang aking napagsapit!... Marinig ito n~g isang nurse , ay madali n~gang nanaog na nagtungo sa silid n~g makatang nasa ibang bahagi n~g gusaling iyon. Samantala'y patuloy ang m~ga pagtataka, at patuloy ang m~ga pagsusumigaw n~g abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino.

Aywan n~ga po ba, ang sambot n~g nurse habang sila'y samasamang lumalakad sa lagusang palipat sa ibang bulwagan. N~guni't ang sabihanang narinig ko ay kagabi idinating ditong may kasamang isang lalaking sugatan sa loob n~g isang ambulancia , galing sa Intramuros at itinelepono n~g isang pulis. Nagibayo ang sikdo n~g puso ni Elsa, pagkarinig sa m~ga pahayag n~g nurse .

Sa liblib na pitak n~g kanyang dibdib, hindi sasalang may sinasarili siyang isang malaking lihim. ¿Ibig mo bang pumaroon? ang tanong ni Elsang tila may balisa, na rin sa gunamgunam. Ibig kong lumapit sa tumatawag ... nanghihin~gapos na sambot n~g maysakit. Kung gayon po'y magpapakuha ako n~gayon din n~g inyong sasakyan, anang nurse na maliksing lumabas.

Elsa, ang tawag n~g manang sa mestisa, may pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas. Marahil po'y isang may malubhang sakit na naghihin~galo na, ang tugon n~g tinukoy. ¡Kaawaawa naman! ¡Nakapan~gumpisal na lamang sana! ang padalan~gin pang saad ni manang Magda. ¿Bakit n~ga kaya't nan~gagtatakbuhan ang m~ga mediko't nurse na doon ang tun~go? ang tanong pa rin ni donya Basilia.

At sa ginawang paguulat n~g ale ni Elsa tungkol sa naging sanhi n~g pagkaratay sa pagamutan ni Tirso, ay napaguwiuwi n~g makatang ito na ang pagkakabalita n~g naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan. Hindi siya kumibo. Siyang pagakabukas n~g pinto n~g silid. At isang nurse na humihin~gal ang biglang humarap sa kanilang tatlo.

Ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko, ang magalang na bati sa m~ga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga't ito ay tinanong: Kayo si G. Tirso Silveira, ¿ano po? Ako n~ga po, malumanay na tugon n~g lalaki. ¿Ano po ang kanilang sadya? ang katlo naman ni Elsang nurse ang hinarap. Siya n~ga si Tirso Silveira, ang aking asawa, ang pakilala pa.

Halos di naglipat sandali't dumating ang sasakyang kinuha na iginugulong n~g dalawang lalaki. Ihihilig po kayo rito, ang wika n~g masipag na nurse . Huwag na po, ang tanggi ni Tirso, ako'y lalakad na lamang.... Baka kayo mapagod na totoo.... Kaya ko na ang aking katawan. At pagkasambit nito'y marahan nang tumindig at umanyong lalakad. Akbayan mo, Elsa, ang utos n~g ale.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap