United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Naging kahabaghabag ang kanyang palad, naging kaawaawa ang kanyang puso sapagka't inulol ng kanyang kabiyak at sa malabis na pangingilag sa pulang iuukol ng madlang makaalam ay minatamis pa ang siya ay sumahukay.

Nguni't ilang hakbang lamang ay tumigil ka na at hindi pa mandin kita nahahawakan ay sumigaw ka: "Nahuli ako, nahuli ako" at idinugtong mo pa ng marahan ang ganito: "Kaawaawa ka naman, tutubusin kita't pagod na pagod ka na". Oo, patangpata na nga ako; danga't kasali ka, kundi'y umuwi na sana ako sa ikalawang takbuhan pa lamang.

Elsa, ang tawag n~g manang sa mestisa, may pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas. Marahil po'y isang may malubhang sakit na naghihin~galo na, ang tugon n~g tinukoy. ¡Kaawaawa naman! ¡Nakapan~gumpisal na lamang sana! ang padalan~gin pang saad ni manang Magda. ¿Bakit n~ga kaya't nan~gagtatakbuhan ang m~ga mediko't nurse na doon ang tun~go? ang tanong pa rin ni donya Basilia.

Kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! At, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si Daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni Leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. Kay samasama ng kanyang kapalaran!...

Ang ibang nakamalas sa anyong kaawaawa ng may sugat ay halos dinalaw rin ng habag ang mga damdamin, kinaaawaan ang binatang sawing naghihirap. Ang kaawaawang kulang palad na binata ay halos nalugmok na lamang sa lansangan. Kaawaawang binata! Ang binatang yaon ay dili iba't ang matalik na kasama't kaibigan ni Eduardo: si Pako, ang binatang nakatira sa tapat nila Leoning.

Ikaw ay namutla pagka't ipinagbabawal sa iyo ang paliligo sa dagat ay sumama ka pa sa amin. Sa inanyo mong kalunuslunos ay nahabag ako at nawika ko sa sarili: "Kaawaawa naman, nagtiis na ng takot sa gitna ng dagat ay makakagalitan pa" At nang tayo'y papauwi na, ay sinabi ko sa iyong: Huwag ka nang maliligo sa dagat, sapagka't ipinagbabawal pala sa iyo ng iyong tatay.

Anang man~ga Dama ay baka siya n~ga kung gayon ay tunay na kaawaawa at wala nang palad na napakaaba na gaya nang gayong pagkapan~ganyaya. Sumunod sa iyong dan~gal ay hanapin saka daratnang kang may iba nang giliw kan~gino ma'y walang matinding damdamin na gaya nang gayong hirap na daratnin.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap