United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Pinakaba ninyo ang dibdib ko! ang di napigilang sabi sa m~ga dinatnan. At sina Tirso'y nagtindiga't sumalubong. ¿Saan ka napatungo't nawala ka rito? ang madaling itinanong ni Elsa. Hindi na kami umalis dito't baka aniko'y magkita tayo agad, yamang dito tayo nagkahiwalay, ang sambot naman n~g lalaki.

Oo n~ga, Elsa, ang magiliw na sambot n~g makata na humilig pa mandin n~g kaunti sa dakong kinalilikmuan n~g kanyang kaagapay, at tan~gi sa maganda ay nakapagtuturo pa sa m~ga nanonood. M~ga ganyang palabas ang talagang nasasarapan ko. ¿Iiwan pa ba natin ang pelikulang ito hangga't hindi natatapos?

Mangyari, ang sambot n~g mestisa, ay sa dinatnan ninyong patay sa akin ang dating kaligayahan n~g puso; at bagaman namamalas ninyong ako'y nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay putos n~g luksa't may nilulunok na apdo n~g kadalamhatian. Ang dating tawana'y nasaksihan ni Tirso na napaltan n~g sandaling pananahimik.

Nawalán ka na ba ng pag-iisip at nalimutan mo na kung sino akó, akó na iyóng kaharáp?" "Hindî akó nakalilímot: kayó po'y isang hámak na táong gaya ko rin, na sa kasamáang palad ng bayang itó, ay náhalal na magpunò sa kanyá." "Ah!" ang sambót ni Kápitang Memò "kinikilála mo palá akóng pinunóng ínahalál, ay bákit at ganyán kung ikaw'y mangusap sa áking haráp? Bakit áyaw mo akóng igálang?"

Ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw n~g isang malalim na buntonghinin~ga. Pandakan na po, ang saad n~g matanda; at ang bahay na iyong natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong patutun~guhan. Marami pong salamat, ang nagkapanabay na sambot n~g magkasama. Mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumi~gaw: ¿Elsa? At ang tinig ay nakilala n~g mestisa: sa kanyang kapatid.

Kaya't dalawang binatang waring lubos na nasasabik makasayaw si Leoning ang naguusap ukol sa binibini. Kung ako lamang ay magkakapalad na makasayaw sa dalagang yaon ay kay palad ko na. Ako man ang sambot naman ng kausap. Napakaganda kung kumilos, ano hindi ba? Oh! kilos ba lamang? Pati mga titig niya ay lubos ng makabaliw sa isang puso.

Nicandro ang panunod na pagpanaog sa sasakyan n~g mestisa't n~g makata, ay siyang paglunsad sa malapit sa kanila n~g isang malaki't mabigat na katawan n~g isang lalaking ang kulay n~g mukha ay nakikipan~gagaw sa dilim n~g gabi. ¡Isang matabang negro! ang naibulong na punongpuno n~g mangha n~g kutsero sa dalawa niyang sakay. ¡Negro! ¡Negro n~ga! ang hindi naman magkantututong sambot n~g dalawa.

Aywan ko sa taong itó ang sabad na naman n~g babai tila ibig mag Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang matawag na manunubos. Siya n~ga naman ang sambot pa ni Pablo isipisipin mong mabuti. Ang iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya. ¡Siya na iyang makámakabayan!

Tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago sinundan ng isang buntong hinin~gang sumasaksing mabigat na lubha ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing: Ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka't.... ¿Ang alin? ang sambot ng kausap. Ako'y di ini-ibig ng aking asawa.

Ang gayon ay di nalin~gid sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang pagaatubili n~g dalawa, kaya't muling sinabi: Sabihin ninyo, m~ga kasama, ang sanhi n~g inyong ipinarito; huwag kayong magalinlan~gan at sa haráp n~g aking asawa ay makapagsasalitaan tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ... ¡Oh, hindi naman sa gayon! ang sambót agad ni Gervasio.