United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Ulól! ¡Ulól! ang sigaw n~g isang tinig. Si Mauro ay napalin~gon. Sa poók na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay pinagalagala ang m~ga matá niya. Isang bagay ang kanyang namalas. Si Gervasio at si Pablo ay ligíd n~g ilang lalaki, at ang ilang itó ay nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang simulaing pinananaligan niya.

Ako ay umaáyon. At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas. Kung gayon, ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo búkas n~g hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.

Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yaón, ang bawa't pangkat na nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang dumarating na Lupon ay sinalubong. M~ga kapatid: ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang mapalapit sila sa m~ga kasama Mahaharap marahil tayo sa isang malaking paglalaban.

Ang gayon ay di nalin~gid sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang pagaatubili n~g dalawa, kaya't muling sinabi: Sabihin ninyo, m~ga kasama, ang sanhi n~g inyong ipinarito; huwag kayong magalinlan~gan at sa haráp n~g aking asawa ay makapagsasalitaan tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ... ¡Oh, hindi naman sa gayon! ang sambót agad ni Gervasio.

Huwag kang matakot; gawin mo ang lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay makapagpasimula na kayo. Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang siya po ang nan~gun~gulo sa kilusán; at inaasahan ko po, na kung ito ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba.

Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay ipinabatid, na ang pulong ay bukás na. At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at kinahangganan n~g paguúsap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan.

Sukat itó, upang ang higing n~g isang malakas na suntók na lumagpag sa mukha n~g isang tao, ay marinig n~g lahat. Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat. Ang pangkat n~g iilán, na kinabibilan~gan ni Mauro, ay nagigitna sa pangkat n~g karamihan na kinabibilan~gan naman nina Pablo at Gervasio.

Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro. Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang makiharáp sa kasama ni Gervasio ... Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala.

Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan.

Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't noón, ay nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan n~g marami ay nagsitun~go. Pagdating n~g dalawa ay niligid na n~g marami, at kay Gervasio ay tinanong ang nararapat na gawin.