United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't kung hindi ang buwisit na negro , sana'y hindi nila tayo napaglihuan. At ang dalawa man naman ay nagsilabas na rin. Sa nais manding ganap na malimutan ang gayong dagok n~g kasaliwaan ay nagkaisang magpapauwi na kapwa n~g bahay at hindi na tuloy makikibahagi sa kasayahang pinagpupuyatan sa lahat n~g dako.
Datapwa't hindi naman nangyari, palibhasa ay panunod nang nagsilabas noon din sa pintuan n~g tindahan ang m~ga lalaking kinaringgan n~g gayong salitaan. ¡Si Elsa at si Silveira sa hotel sa ganitong oras! ang pakagat-labing nasambit ni Martinez. ¡Ah, talagang ang kapalaran ay kanila na! Kaya dapat na tayong magpugay sa kanila, ang wika naman n~g manggagamot.
Magsisilabás na sila ... ang wika naman n~g ilan, na parang itinutugón at inilulunas sa pagkainíp n~g madla. At parang itinaón sa huling tugon n~g ilán, sa pinto n~g pagawaan ay nagsilabas ang limá katao. ¡Narito na! ¡Narito na! ang sunodsunod at nagkapanapanabay na naibigkás n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilabás.
Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't noón, ay nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan n~g marami ay nagsitun~go. Pagdating n~g dalawa ay niligid na n~g marami, at kay Gervasio ay tinanong ang nararapat na gawin.
Salita Ng Araw