United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Teang ay malayo na, nagpakalayolayo upang patibayan ang wika ko sa iyo na ang pagkikilala namin ay ganap nang natapos; at sa kalaliman n~g hatinggabing ito ay ikaw ang aking kaniig at siyang tan~ging pinaghihin~gahan n~g lalong dalisay kong damdamin. ¿May iba pa kayang Selia ang makata sa sandaling ito, Elsa, liban sa iyo? Minsan pang natigilan ang mestisa.

Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.

¡Oh! aní Benita at waring tatakbó n~gunit natigilan, at sa pagkagulat ay nawalán n~g diwa. Sandali na lamang sana't natupad n~g binibini ang nasang pagpapatiwakal. Lalong mabuti ang wika sa sarili n~g pan~gahas na pumasok sa durun~gawan, na dili iba't ang binatang tinawag na kapitán ni matandáng Patíng. Lalong mabuti ang ganitó at waláng sagabal sa pagdadalá.

Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro. Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang makiharáp sa kasama ni Gervasio ... Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap