United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maigagawa mo ba kaya ako ng mga bota sa katad na ito? Opo, Kagalang-galang. Ang barini ay nagbigkas. Mangyari! Tignan mong mabuti ang tao na nagpapagawa sa iyo niyan at pati ng kainaman ng katad na iyan; igawa mo ako ng mga bota na magluluwat ng isang taon; na isang taon kong magagamit na hindi man lamang masisira o mapapahiwid.

Bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay na isang barini o isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang magaling na balabal. Nanhik sa hagdanan. Binuksan ni Matrena ang pintuan. Ang barini ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang ulo ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag-isa ang isang sulok ng kabahayan.

Si Mikhail ay tingin ng tingin. Agad napangiting masaya. Anong ikinatatawa mo? ang tanong ng barini . Pag-ingatan mo, na ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon. Si Mikhail ay sumagot: Mangyari, kailanman at kailanganin. Mangyari, ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.

Ang katad ay mahal, ang barini ay magagalitin; huwag lamang tayong magkamali ay ... Ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong kamay ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at samantala ay gagawing ko ang iyong ginagawa. Sumunod si Mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang tinabas.

Nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay. Hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. Namatay sa vozok o karwahe. Dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong nakatimbuwang at bangkay.

Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip: Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini ; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman.

Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring tanggapin o hindi. Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na kanyang gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man lamang sa loob ng isang taon. Tinawag ng barini ang alila.

Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.

Si Semel ay nakapagbigkas tuloy ng isang badyang pamangha. Ating nasira ang katad; ano kayang sasabihin ko sa barini ? Saan kaya ako makakasumpong ng ganyang katad? At sinabi kay Mikhail. Anong ginawa mo. Ako'y iyong ipinahamak, katoto. Hinihingan ako ng barini ng bota. Nasaan? Noon nga ay may tumuktok sa pintuan.

Naginhawahan ako sa pagkahayag ng isa sa mga salita ng Diyos, at una kong ikinangiti; nguni't hindi ko napag-alamang lubos sa isang sandali, hindi ku pa napag-uunawa ang hindi ipinabatid sa tao ni ang bumubuhay sa tao . Natira akong isang taon sa inyo; ang barini ay naparito na nagpasadya ng mga bota, mga botang dapat magluwat ng isang taon na hindi man lamang mahihiwid o masisira man.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap