United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Habang kinukunan ng sukat ni Semel, ay lilingap-lingap ang barini sa lahat ng dako. Namataan si Mikhail. Sino ito? ang tanong. Siya kong manggagawa ang sabi ni Semel. Magpakaingat ka! Dapat magluwat ng isang taon. Tinignan ni Semel ang pagkatungo ni Mikhail at kanyang nahalata na wala sa loob nito ang barini , kundi nakatingala siya sa ulunan ng barini na parang may nakikita siya.

Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana.

Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip: Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini ; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman.

Parang bakal mandin at di madadaig ng kamatayan ng gayun-gayon lamang. Hinarap ni Semel si Mikhail. Tinanggap natin ang biling ito, aniya, baka tayo'y mapahamak.

Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring tanggapin o hindi. Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na kanyang gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man lamang sa loob ng isang taon. Tinawag ng barini ang alila.

Bahagya nang magsalita at mamakalawa lamang napangiti, na ang una, ay ng hainan siya ng asawa ni Semel, at ang ikalawa'y ng dumalaw ang barini . Si Semel ay tuwang-tuwa sa kanyang pangulong manggagawa at di niya tinatanong kung saan galing; iisang bagay ang kanyang pinapanimdim, na baka si Mikhail ay lumayas. Isang araw ay nagkakapisan silang lahat.

Ang mga bata ay naglalaruan at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. Si Matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si Semel ay may hawak na pambutas; at si Mikhail ay nagtatapos ng isang takong.

Sa paghahatid sa kanya nina Semel ay nalingunan si Mikhail na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, ang mga mata'y nakatirik sa langit at nakangiti. Siya'y nilapitan ni Semel at pinagsabihan. Anong ginagawa mo, Mikhail?

Kung gayon, Mikhail, ayaw kang magsabi ng anuman tungkol sa iyong buhay, mabuti, nguni't kailangang kumain; kung susundin mo ang aking sasabihin, ay aampunin kita. Tulungan ka nawa ng Diyos! Turuan mo ako, ituro mo sa akin ang di ko nalalaman. Sumunggab si Semel ng kanyamo at binaluktot. Ito'y hindi gawain noong isang Huwubes; tignan mo.

Dinampot ni Mikhail ang sandalyas at pati ng pinagputulang katad, binalot na lahat at iniabot ang balutan sa alila, na naghihintay: Adiyos mga kapatid, tulungan nawa kayo ng Maykapal. Nakaraan ang isang taon, dalawa, at may anim nang taon na si Mikhail ay na sa bahay ni Semel. Ang buong pamumuhay, ay di rin nagbabago. Kailanma'y hindi siya umaalis.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap