United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip: Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini ; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman.
Agad pinagsalitaan siya ng kanyang asawa ng tungkol sa Diyos. Pagdaka'y nagbago ang babae; hinainan ako ng pagkain at sapagka't ako'y tinitignan niya ay tinitigan ko siya: ang patay ay muling nabuhay, at nakilala ko ang Diyos sa kanyang mukha. At aking naalala ang salita ng Diyos: Iyong malalaman ang sumasatao . Napagtalastas ko sa ganito na sumasa mga tao ang pag-ibig.