United States or United Kingdom ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.

Si Mikhail ay tingin ng tingin. Agad napangiting masaya. Anong ikinatatawa mo? ang tanong ng barini . Pag-ingatan mo, na ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon. Si Mikhail ay sumagot: Mangyari, kailanman at kailanganin. Mangyari, ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.

Ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang siping. Ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito. Kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni't maigagawa namin kayo ng inyong ibigin. Amin pung titignan kung maigagawa namin kayo ng aporong basahan o ng katad. Sabihin ninyo ang inyong ibig. Si Mikhail na aking pangulong manggagawa ay totoong matalino.

Nilimot ko ang aking karalitaan; ako'y isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang lahat. Ako'y makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na ako gagamit niyan kailanman. Ngunit totoong daramdamin ng aking asawa at may matwid. Ipinaghahanap-buhay namin ang mga mujik , pakinabangan nawa nila ang aming kapaguran. ¡Teka! Di mo ako dinalhan ng kuwarta. ¡Maraming salamat! ¡May Diyos!

Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain. Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni Mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao na kailanman ay hindi nagkamali.

Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel. Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon.

Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana.

Nakikilala mo ba kung anong uri iyan? Pinitik ni Semel ang katad at nagsabing: Iyan po ay pinakamabuting uri. Oo nga, iya'y pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa Alemanya, nalaman mo ba? Ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung rublo . Si Semel ay natatakot-takot na tumugon: Paanong ibig ninyong kilalaning ko? Mabuti.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap