United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain. Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni Mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao na kailanman ay hindi nagkamali.

Anong gagawin ko? Siya'y aking binihisan, binalabalan at aking ipinagsama. Tumahimik ka nga, Matrena, iya'y isang kasalanan. Tayong lahat ay para-parang mamamatay. Si Matrena ay nagbuka ng bibig upang sumagot. Biglang napatingin doon sa di kilala at tumahimik.

Ako'y nagkaanak ng isang lalaki na kinuha sa akin ng Diyos; hindi ko totoong inibig na gaya ng mga ito. Kanino ngang anak sila? Si Matrena ay nakipagsalitaan sa babaing yaon, na nanalaysay ng ganito; May anim na taon nang ulila sila. Ang ama ay namatay ng martes at ang ina ay ng biyernes.

Pagkatapos na maitago ang tinapay, ay naupo si Matrena sa siping ng dulang upang magsursi ng baro ng kanyang asawa; nananahi at inaalala si Semel, na namili ng katad. ¡Baka madaya pa ng maytinda! Napakahangal ang asawa ko. Siya ang di marunong magdaya kaninuman at napadadaya maging sa bata.

Lalong magaling ang itanong mo sa akin kung sino ang taong ito. Pasimulan mong sabihin sa akin kung saan mo iniwala ang kuwarta, ang tugon ng asawa. Dumukot si Semel sa bulsa at inilitaw ang tatlong rublo . Eto ang kuwarta; si Trofimoy ay hindi nagbayad, nangako sa akin bukas na. Si Matrena ay lalong nag-init.

Kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig ng mga yabag ni Semel sa may hagdanan. Iniwan ni Matrena ang sursihin at napatungo sa silid. Nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na walang sombrero at nakabota. Malayo pa'y nahalata na ni Matrena, na ang kanyang asawa ay naglasing. Siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.

Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip: Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini ; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman.

Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.

Huhubdin na ni Semel; binaltak ng asawa at natastas ang mga tahi; sa katapus-tapusan ay tinagnan ni Matrena ang suot, isinuot at napasa dakong pinto upang yumaon, nguni't agad napatigil sa galit; wari ibig makipagkaalit kahi't kanino at mabatid kung sino ang taong yaon, Tumigil si Matrena sa tabi ng pinid at nagsabing: Kung iya'y mabuting tao, ay hindi sana hubad; magkakaroon man lamang ng baro.

Nakaupo sa bangko na di umiimik, Ang kanyang dibdib ay nanlalaki, halos magputok, na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka-pikit ang mga mata, na parang napipighati. Napatahimik si Matrena. Siya'y malugod na pinagsabihan ni Semel. Matrena; nawala na ba kaya ang Diyos sa iyong kalooban?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap