United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagdaka'y nakita kong bumalik, siya'y aking tinignan at hindi ko nakilala: Ang kanyang mukha ay patay ng una at nakita kong nagliwanag ng larawang Diyos. Ang nanauling buhay ay lumapit sa akin, binihisan ako, tinagnan ako sa mga kamay at ipinagsama ako sa kanyang bahay.
Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring tanggapin o hindi. Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na kanyang gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man lamang sa loob ng isang taon. Tinawag ng barini ang alila.
Iniisip ang kakanin, nararapat kayang ihanda ngayon o bukas. May natitira pang kaunti sa paminggalan; kung si Semel ay nakakain na sa nayon at hindi humapon mamayang gabi ay may kasiyang pagkain sa kinabukasan. Muli't muling tinignan ang nalalabing pagkain. Hindi ako magtitinapay ngayon, aniya; saka kakaunti ang aking harina; baka sakaling umabot hanggang biyernes.
Habang kinukunan ng sukat ni Semel, ay lilingap-lingap ang barini sa lahat ng dako. Namataan si Mikhail. Sino ito? ang tanong. Siya kong manggagawa ang sabi ni Semel. Magpakaingat ka! Dapat magluwat ng isang taon. Tinignan ni Semel ang pagkatungo ni Mikhail at kanyang nahalata na wala sa loob nito ang barini , kundi nakatingala siya sa ulunan ng barini na parang may nakikita siya.