United States or Hong Kong ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dinalaw na naman n~g lugod ang puso niyang tuwina'y sabik sa paggiliw n~g makatang iyong tan~ging naghahari sa kanyang kaluluwa. ¡Labas nang talaga sa dilang alinlan~gan ang pagwawagi n~g kanyang m~ga han~garin! Subali't n~gayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay n~gayon naman siya nauumid mandin sa naglalambin~gang bigkasin n~g makata at sa m~ga kilos nitong maaaring mahalata n~g iba.

At ang tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa harap n~g naturang lalaki sa anyong sukat ipamutla n~g mukha't ipangrimarim n~g budhi, ay hindi pa niya nagaganap. ¿Hindi kaya isang marun~gis na pagiimbot lamang ang umaaling iyon kay Tirso upang gumamit n~g gayong m~ga bigkasin at kilos na lubhang nakababahala sa kanyang pagkadalaga?...

Yabang!... Para ka riyang isang lélong na nangangaral sa amin ah! Cu...!" Pabulóng kun bigkasín ang mga salitáng itó, na anopa't walâng nakáririníg kundî yaong mga malalapit sa kanyá! Hindî lang ang bibig ng naka-lana ang nangungusap: ang mga matá niya ay may lalong mahalagáng bágay na inihahayág.

Tulad niya ay isang bulaklak na nalalanta. Wala na at waring natapos na sa kanya ang lahat at lahat. Magtiis ng hirap at magtiis ng bagabag ang kanyang naging palad. Ngayon, maminsanminsan lamang niyang bigkasin kung nagiisa ay ang ngalan ng kanyang irog na lumimot. ¡Ay! Leoning! Dahil lamang sa sumpa mong nilimot minsan man lamang malasin mo ang palad ko!

Ako ay umaáyon. At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas. Kung gayon, ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo búkas n~g hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.