United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !
Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan ang halos ay nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan sa hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko n~ga ba! at sabay sa m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din.
At tan~gi sa rito, ¿ano't makikiloko ka sa kanila? ¿Kung wala ka pa bang makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo?
Aywan ko sa taong itó ang sabad na naman n~g babai tila ibig mag Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang matawag na manunubos. Siya n~ga naman ang sambot pa ni Pablo isipisipin mong mabuti. Ang iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya. ¡Siya na iyang makámakabayan!
Salita Ng Araw