United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan ang halos ay nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan sa hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko n~ga ba! at sabay sa m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din.
Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp n~g m~ga nakahahalinang amuki ni Pablo. Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita. ¿Paano ang iba kong kasamahan?
Salita Ng Araw