United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nakapatong sa ibabaw n~g lamesa ang dalawang bisig at sa m~ga palad ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi. Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang isang napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapulás sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga. Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning pinagaaralan ...

Ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw n~g isang malalim na buntonghinin~ga. Pandakan na po, ang saad n~g matanda; at ang bahay na iyong natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong patutun~guhan. Marami pong salamat, ang nagkapanabay na sambot n~g magkasama. Mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumi~gaw: ¿Elsa? At ang tinig ay nakilala n~g mestisa: sa kanyang kapatid.

Bigla siyang pumihit at lumin~gap sa dakong kinaringgan n~g nasabing buntonghinin~ga. At namasdan niyang malungkot na malungkot na nakapan~galumbaba ang kanyang mestisa. Elsa ... ang unang pumasnaw sa bibig ni Tirso ... ¿Kanina ka pa ba? ang dugtong na tanong. N~gayon lamang ... malumbay na sagot. ¿Ang iyong kasama? Sina manang Magda at tia Basilia.

At ang iba pang ibig sanang sabihin ay ipinahayag na lamang sa pamamagitan n~g ilang buhol n~g buntonghinin~gang sakdal n~g pait. N~guni't hintay, ang bawi ni Martinez mapamayamaya.

Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na itinatagal n~g aklasan. ¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man lamang! At si Mauro, sa haráp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap