United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi ko hinihintay, ; hinding hindi n~ga, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di wastong paniniwala. ¡Sayang! ; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi. Mauro; hindi rin naman lubos na gaya n~g paniniwala mo ... ang nakan~giti pa ring tugon n~g kinakausap. ¿At ano ang maitatawag sa iyong inaasal?

N~gunì't ang m~ga ganitóng pagpapakilala ni Tamád ay hindî warì pansín n~g kanyáng kinákausap, pagkâ't itó, pagkatapos niyáng humintô, ay walâng ibáng náisagót kundî: ¿Sinó ang kasayáw ni Pati?

Tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago sinundan ng isang buntong hinin~gang sumasaksing mabigat na lubha ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing: Ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka't.... ¿Ang alin? ang sambot ng kausap. Ako'y di ini-ibig ng aking asawa.

Oo; anang Tagapamahala ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay na mahalaga akong sasabihin sa iyó. ¿Ano po yaon? ang may malaking pananabik na tugón n~g kinakausap. Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung aáyon ka sa aking sasabihin. Sabihin mo na po.

¡Elsa! ... Nakikilala mo kung sino ang inabayan ko sa bangka sa Pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa akin n~g mahabang sulat na nasa bulsa ko sa m~ga sandaling ito; nakikilala mo kung sino ang kaulaulayaw at kinakausap ko n~gayon dito.... Ang mestisa ay pinamulahan n~g mukha't hindi nakakibo.