United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kapagkuwa'y siya namang haharapin ang malaki't malinaw na salamin, at dito'y waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang marapat niyang gawin sa kanyang maganda nang pusód, kung ilan pang daan n~g espongha ang marapat niyang gamitin upang mawalan n~g balantan ang pulbos n~g kanyang mukha; at kung alin pa kayang kasuutan ang sukat niyang ipalamuti sa kanyang baling-kinitang pan~gan~gatawan upang maging kahalihalinang lalo ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang kinahuhumalin~gan n~g kanyang pagibig.
Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. ¡Oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw n~g makata!
Gawan mo na lamang sana n~g paraang mapadalhan ako agad n~g ilang kasuutan, ang ipinagbiling huli n~g mestisa. Hamo't ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa bahay ang kuyang mo. Pagkasambit nito ay lumabas sí Dioni't nagpaalam na kay donya Basilia.