United States or New Caledonia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Baga man at turing na ako'y nakasal ang kalinisan ko'y di nadurumihan sapagka't sa aking puso ay masukal ang pakikiisa sa di kasintahan. Kaya ang samo ko'y patawarin ako sa isa nang buhay magkikita tayo doo'y walang salang makikilala mo kung talagang ako ay taksil sa iyo.

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

Nguni't sa pagiisa ni Eduardo ay kanyang naiisip na matagal pang panahon bago niya masisilayan ang mukha ni Leoning. Iyan ang mapait dilidilihin para sa kanya. Kailan pa niya makikita ang mukha ng kanyang kasintahan? Kailan pa? Kailan pa kaya niya makikita ang kanyang ilaw at buhay? Kailan niya makikita ang titig na mapangakit ng kanyang Leoning? Kay pait nga naman ng ganito!

Sa awa nang lan~git ay aking kinamtan ang lalong dakilang man~ga karan~galan at ako'y naligtas sa kapahamaka't nang dumating dito ay walang kamatayan. Diwa'y hinan~gad mo na malayo ako at nang mapanulos sa kasintahan mo di ka na nahabag sa ginawang ito na akong aba na'y siyang pinag ilo.

Nguni't, oh palad! Naghihimutok ang kanyang damdamin sapagka't buo na ang kanyang pananalig na siya ay nilimot ng kanyang irog, ng kanyang minamahal ng higit sa buhay: si Eduardo. Sadyang si Leoning ay isang dalagang uliran sa pagibig. Minsan lamang kung sumumpa sapagka't siya ay may dangal at may puri. Ngayon ay nadadama niya ang hirap ng isang umiibig na nalalayo sa piling ng kanyang kasintahan.

Wala na nga namang napakatamis sa damdamin paris ng nasa sarili. Bagama't noong una ay halos mapalundag siya sa katuwaan sa pagsapit ng Maynila, ay nang nalalaon na ay dinalaw rin ang kanyang puso ng pagkalungkot. Para sa kanya ay wala ring halaga ang maririkit na tanawin na kanyang nakikita sa Maynila, paris ng makita niya ang kanyang kasintahan.

Nalulungkot siya sapagka't ang kanyang kasintahan ay nasa malayong hindi maabot ng kanyang tanaw. Ang kanyang puso ay nangungulila sa madlang kaaliwan. Ngayon niya nadadama ang sakit ng malayo sa kasintahan. Walang kasing pait! Baka nga naman pagdating ng panahon ay ganap na siyang limutin? Anong malay ng isang Eduardo, na, nasa malayo? Oh! kaawaawang Eduardo kung magkakaganito!

Parang may sindak, nguni't sa harap pa ba kaya naman ng isang kasintahan masisindak at waring matatakot? Isang hiwaga ang ganito! Sila'y magkapiling ni Eduardo. Ang kanilang mga puso ay parang nangapiping ilang sandali sa dahilang tila tumagos sa puso ng binibini ang pangungusap na binigkas ng binata. Ang huling katagang binigkas ni Eduardo ay parang nagdulot sa puso ni Leoning ng isang pagkaawa.

Sa tabi ng bintana ay madalas mapatigil ang kanyang pagbuburda na malayo ang titig at waring may malalim na iniisip. Noo'y isang masayang umaga. Walang anoano'y isang autong "Buick" ang huminto sa tapat ng kanilang bahay. Ang autong ito ay galing sa Maynila. Sino ang lalaking sakay? Ang kasintahan kaya ni Leoning? Si Eduardo kaya?

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap