United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Waring sa mga bisig ni Eduardo ay naghehele sa katamisan ng pagindak si Fely, datapwa't gaano nga naman sanang lugod kung ang makakasayaw ni Eduardo ay ang dati niyang irog? Para kay Eduardo ay naliligayahan man siya nang mga sandaling yaon ay isang kaligayahang pangkaraniwan lamang at di paris sana kung kasayaw ang dating kasuyuan, si Leoning, nalubos sana ang kagalakan ng kanyang puso.

Sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. Eduardo ko! At hindi na natugon ang tawag na ito ni Leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. At ganap na naghari ang katahimikan. Sa bisig ni Eduardo ay waring naghehele si Leoning, nangangarap, nalulugod ang puso.

Sa ilalim ng isang mayabong na balag na ginagapangan ng mga baging umaakyat at sa ilalim ng mga dahon ng "cadena de amor" ay naroon at sila ay naghehele ang mga pusong uhaw sa katamisan ng pagibig. Dalawang pusong naguulayaw, na, nagkakapalitan ng mga ngiti sa mga sandaling yaon, nagkakatitigan na nagkakahiwatigan ng lihim ng kanilang puso.

Kasalukuyan noong idinaraos ang masiglang sayawan sa maaliwalas na auditorium ng karnabal sa Maynila. Sa sayawang yaon ay waring walang mababakas na ano mang kalungkutan sa bawa't mga naroroong mga nagsisipagsayaw. Waring ang mga puso ay naghehele sa katamisan ng kaligayahan sa kandungan yaong naging isang langitlangitan dito sa lupa na puno ng maraming mga bituing nagkislapkislap.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap