United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bahagyang naibsan n~g pabigat ang kaluluwa ni Tirso sa pagkapagusap nilang iyon n~g mestisang sumulat sa kanya. Gayon ma'y nakalipas ang singkad na maghapong hindi niya halos namamalayan, n~g siya ay nanghihinamad mandi't walang alis sa pagkakatun~go sa ibabaw n~g kanyang sulatan. Dalawang linggong mahigit ang nadaan.

Lalo na kung lagi niyang nakikita na nakapanun~gaw ang bunying Princesa ay halos di ibig mawalay sa mata sa laking pagirog na hindi makaya. Maupo't tumindig nama't magpasyal Princesa ang siyang tinitingnan tingnan sa Princesang hindi naiino naman pagkapalibhasa'y di namamalayan.

Unti-unti na ngang nakita ni Eduardo ang malaking ipinag bago ni Leoning buhat nang kanyang mabatid na may ibang dumadalaw sa kanyang kasuyuan. Ngayong nabatid niyang siya pala ay may kaagaw kay Leonora na nang mga ilang araw na nagdaan ay hindi niya namamalayan.

Walang kailangan, hindi niya namamalayan ang pagparito ko sa iyo upang makihati sa iyong mga sakit. Leoning, utang na loob hwag mo na akong dalawin. Lalong baka magdagdagan pa ang hirap kong tinitiis ng dahil sa sumpa mong nilimot. Hindi ko matitiis ang hindi kita dalawin. Leonora, lumayo ka na, baka ka mamalayan ng iyong kabiyak ng puso.

At, sa kinalaunan ng panahon ay untiunti na ring napupuna ng kanyang kasama sa bahay ang pagbabagong yaon ni Eduardo. Datapwa't para bang hindi namamalayan ng lahat ang sanhi. Ang panghihinang yaon ng katawan ng ating binata ay walang gasinong maraming nakababatid. Akala lamang ay isang sakit na sadyang dumatal sa katawan ng binata.

Humanap siya ng pook na tago sa mga mapagkunwaring babae na mapagsukab. Doon sa walang maririnig na bulungbulungan ang kanyang sarili. Inilagan niya ang masasamang kinakakakitaan ng paris noong nangyari sa kanya. At, kanya na lamang na isadilidiling: Ilan pa kaya ang mga babaing nagsisipagugali ng gayong hindi namamalayan ng kanilang mga kabiyak ng puso?

Samantalang sa kabilang dako si Leoning ay mapapasa ibang kandungan na siyang lahat ang naging dahilan ng kanyang mga paghihirap. Si Leoning ay mapapasapalad ng isang mangangalakal na mariwasa. Hindi niya naging palad si Leoning, oh! Eduardong walang palad! Nilimot nga naman siya ng hindi niya namamalayan. Hindi niya sukat akalain ang magkagayon.

¡Taksíl na táo! ang sagot na humahagulgól Ikáw palá ang pumatáy sa kulang palad kong si Pusò at n~gayó'y nagkukunwarî pa kayóng waláng namamalayan sa kanyá. Sábi ko na n~ga ba't sa mulâ pa'y kumúkutób na sa aking loób na ang táong itó'y may kinalaman kay Pusò ko. Ikáw ba'y anó ni Coronel Pusò? ¿Kayó ba'y ina sakali? Opò.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap