United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya't ang kanyang kalooban ay waring napakaba na lamang dahil sa pagsasalawahan ng loob. Hindi niya akalain ang gayon pagkakataon kung si Leoning nga iyon na kanyang irog na ngayon ay kausap ng kasayaw. Hindi naman agad siya makaharap sa tumawag na yaon kay Ester sapagka't baka siya ay makilala ang ayos bagama't nakadespras din.

At, ang binata ay waring nawalan ng diwa, hindi niya akalain na mababasa niya ang gayong balita. Kay sungit na palad nga naman ng kanya ngayon! Diyata at wala na nga ang lahat? Totoo nga pala ang mga balitang yaong kanyang nangarinig. Makikipagisang puso si Leonora. Kay pait na dilidilihin ng mga balitang ito! Kay saklap nga naman, wala na, wala na siyang pagasa, sadyang natapos na ang lahat.

Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo á, ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang kasamá. Bokokoy. Magandang araw po. Pedro. ¿Sino? Bokokoy. ¿Sino puba ang amo dito? Pedro. ¿Bakit? Bokokoy. Ibig ko pu sanang manilbihan. Maria. ¿Baka hindi ka makatatagal dito? Bokokoy. Tatagal po. Pedro.

Hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa naman n~g marami mong m~ga kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol, ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas n~g pagiisá; ikaw na pinagkatiwalaan nila n~g lahat nilang pagasa ay siya n~gayong maglalagpak sa karan~galang malinis na dapat sanang dalhin at tamuhin nating lahat sa aklasang ito.

Datapwa't ang autong iyon ay nagbalik din sa San Marcelino makalipas ang ilang sandali. Si Eduardo nga naman ay walang palad! Nang magdamag na iyon ay halos di na siya naidlip kamuntiman. Sa pagkakita niya kay Leoning ay waring pinagiisip niya na napakahiwaga. Anong paraan nga naman at si Leoning ay naparito sa Maynila na hindi niya sukat akalain?

Ang sabi sa kanya ay isang dalaga ang dadalawin? Samakatuwid ay maliwanag niya ngayong nabatid na siya ay pinagtataksilan ni Leonora. Pinagsusukaban pala siya at ganap na nilapastangan ang pagkalalaki. Sumilakbo ang kanyang dugo at nagdilim ang kanyang pangmalas. Hindi niya sukat akalain ang lahat ng iyon! Si Fely raw! Oh! taksil na Leonora! Sukab na babae!

Ang sarili ko man, nguni't.... Leoning, ano ang paraan at naparito ka ang agaw agad ni Eduardo. Upang ipagtapat ko agad sa iyo ang lahat at lahat ay ito: Isang umaga, ang kapatid ni aling Rita, na, si mang Alejandro ay nagpunta sa ating bayan at di ko nga akalain ay inanyayahan kami na sumama sa kanya.

Ang kanilang mga pusong malaong nagkasabikan, nagkalayong ngayon ay mapalad na pamuling nagkatagpo. Leoning ang panibukas ng binata anong hiwaga at ang magusot na siudad ay kinawilihan mong tunguhin? Nang una nga ay ni sa pangarap ay di man lamang sumagi sa aking gunita na ito ay aking maabot, datapuwa't sadyang ganito lamang ang panahon. Ni hindi ko rin nga akalain.

Samantalang sa kabilang dako si Leoning ay mapapasa ibang kandungan na siyang lahat ang naging dahilan ng kanyang mga paghihirap. Si Leoning ay mapapasapalad ng isang mangangalakal na mariwasa. Hindi niya naging palad si Leoning, oh! Eduardong walang palad! Nilimot nga naman siya ng hindi niya namamalayan. Hindi niya sukat akalain ang magkagayon.

Hindi niya akalain na si Leoning ay may ibang minamahal matangi sa kanya datapwa't ngayon ay mayroon palang iba pang minamahal ang kanyang asawa. Kaya noong umagang yaon ang noo niya ay nangungunot na waring may malaking kasamaan ng loob at ang kanyang damdamin ay tila ba may isang suliraning napakaselan sapagka't sa anyo niyang yaon ay mapagkikilalang may samang totoo ang kanyang kalooban.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap