United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nguni't may isang pasubali, na sa palagay namin ay dapat pagkaisahan ng lahat, upang alang-alang din sa katamisan ng tulang tagalog ay palayain, sa gayon at sa ganitong pagkakataon, ang lipad ng tula.

Sa gayong kandungan ng mga ligaya't pangarap ng mga pusong nauuhaw sa pagsimsim ng kaligayahan at katamisan ng buhay, para sa kanya ay isang ulap, lalo't kung hindi niya kapiling ang kanyang minamahal ng lalo't higit sa buhay: si Eduardo. Halos hihirang tugtog ang hindi niya nasayawan at laging nakukuha siyang pareha ng mga bago niyang kakilala.

Kaya Leoning ako ay umaasa. Manalig ka. Hindi kita pababayaan. Na ako ay iyong mamahalin. Ng lalo't higit sa buhay. Maging maligaya ka kung gayon sa katamisan ng aking pagmamahal. Salamat, at sa iyo nga lamang ako mabubuhay. Leoning, hwag kang makalilimot. Hanggang libingan. Leoning! Eduardo! Kaya, Leoning ko, bayaan mo sa ngayong awitin ang katamisan ng pagibig sa iyong kandungan.

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Ang dalawang ito samakatwid ang magpipisan. Ang dalawang ito na nagkakaisa ng tibukin ng puso ang magduduyan sa kaligayahan ng katamisan ng pagibig. Ang dalawang ito na naging mapalad ang pagiibigan ang siyang magkakasundo. Para kay mang Pepe ay isang lasong makamandag si Carmen sa kanya. Kaya't ngayon ay di na maghahabol. Pinabayaan na niya!

Si Eduardo naman ay isang paruparung nagkapakpak na uhaw sa katamisan ng nektar at bango ng pag-ibig. Ang gabing yaon ay parang isang langit na mabituin at puno ng mga pangarap at pagasa kay Eduardo. Kung pagkuruin niya ay tila siya na lamang ang pinakamapalad at pinakamaligaya sa sangdaigdig. Laging sariwa ang ngiti.

Hindi ba nasisiyahan ang puso mo? Eduardo ko ang palad ko lamang.... At sa malantik na baywang ni Leoning ay waring ang bisig ni Eduardo ay naging parang lumingkis na lamang na hindi tinanggihan ng binibini. Kay palad na bisig! Ang ating binata ay naging mapalad ng gayon na lamang. Ang katamisan ng pagibig, at katamisan ng pagmamahal ni Leoning ay inawit niya ng boong tagumpay.

Mapapalad nga at walang dusa: dalawang pusong sa kandungan ng kaligayahan ay umaawit ng tagumpay, nangangarap ng katamisan ng pagibig, ng matamis na pagmamahalan ng puso. Kay palad nga naman! Leoning! Eduardo! Ang mga mapalad na ito ay nagduduyan sa bisig ng maligayang kandungan ng gabing lipus ng pangarap. Kay palad na gabi nga naman noon!

Sa ilalim ng isang mayabong na balag na ginagapangan ng mga baging umaakyat at sa ilalim ng mga dahon ng "cadena de amor" ay naroon at sila ay naghehele ang mga pusong uhaw sa katamisan ng pagibig. Dalawang pusong naguulayaw, na, nagkakapalitan ng mga ngiti sa mga sandaling yaon, nagkakatitigan na nagkakahiwatigan ng lihim ng kanilang puso.

Huwag kang magalapaap ng loob. Eduardo, manalig na kaya ang palad ko? Manalig ka Leoning ko. Isinusumpa mo. Tunay. Hanggang.... Hanggang libingan. Anong tamis nga naman ng dalawang pusong naguulayaw at nagmamahalan? Anong ligaya ng dalawang pusong ang katamisan ng pagibig ang siyang naghahari? Ang hamog ng pagibig! Kay tamis sa dalawang puso!