United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !


May limang dipá rin ang napaghilahan niyong man~ga asong nagkakaguluhan at bago pa nila nakilalang buháy ay nang mahalata nang ginalawgalaw. Bagaman iniwan nang man~ga pagkagat ang dalawang paa'y tadtad na nang sugat lalo pang magulol ang matinding hirap at doon ang buhay na lamang nautas.

Nariyan nga ang isa pang salitang napasukan ng isang malikot na "b", na ipinag-iba ng kahulugan, at kaibhang mahirap na mahalata, kung walang ibang siping mapagtutularan. Tungkol sa "mag-aala-ala": ito ang kay hirap na kilalanin.

Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig yaong si Hortensio sa cay Eduvigis, at sa salitaan siya ay lumapit catulad nang isang tauong ualang bait. Nag-uaualauala,t, nang di mahalata ang lihim na galit na taglay nang diua; n~guni,t, sa caniyang quilos at salita ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua.

At gayong pakikimatyag na n~ga lamang ang kanyang minabuting gawin, sapagka't sa bahay na yaon ay ayaw muna niyang lumantad magmula nang may mahalata siyang sukal n~g loob sa kapatid n~g nasabing mestisa. Si Tirso ay sa may gawing baybayin n~g dagat nagdaang paahon sa bulaos na patu~ngo kina Elsa.

Cun ang maysaquit ay nilalagnat touing hapon, at ang inilulura ay masama sa dating tingnan, sucat nang mahalata na hindi mababahao ang sugat sa baga, na cun gayon siya,i, maguiguing éticong totoo, at mamamatay sa loob nang ilang bouán.

Nguni't napamangha rin si Eduardo at nang upa lamang huwag mahalata ay nagiba ang kilos, sa pagsasayaw. At huminto ang pagtugtug ng orkesta. At palad nagkataon naman sila noon ay nagkalapitlapit. Ano kaya ang mangyayari, baka sila magkalinlan kaya? Waring mangingilag ang ating binata dapwa't hindi niya magawa ang gayon, kaya nakiharap na nga naman.

At nagkamayan ding mahigpit ang dalawang magkaagaw kay Leoning: si Eduardo at si Daniel Perez palibhasa'y ang gayon ay kaugalian na ng lahat. Datapwa't ang ginawi ni Leoning upang hwag mahalata ng kanyang kaibigang Ester at saka ng bago niyang kasuyuan ay iniabot ang kanyang kamay sa binata at nagbigay-galang: Eduardo de la Rosa, ang aba ninyong lingkod na mapaguutusan ng kaya.

Ako naman n~gayo'y lubós ang tiwala, pagka't siya nilang m~ga guinagawa: ang magpakahigpit, at ang pagka-awa sa kapua tawo'y walang mahalata. Ugaling kastila'y binibitiwan n~g m~ga Clerigong dito'y nan~gaiwan, batang bagong anak na pabibinyagan mag rerecargo na'y wala namang utang.

Nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'y nagpatuloy sa aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na pagiibigan ni Bitwin at ni Tarik, ayon sa aking nabasang argumento ng Sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming tumubo sa aking puso mula nang tayo'y bata pa at itinanong ko sa iyo kung yao'y pag-ibig na.

Kaya upang hwag mahalata pati niyong tsuper ay ginawa ni Leoning ay iniutos ngang padaanin sa Hardin Botaniko upang bumili ng mga bulaklak. At, upang makagawa ng paraan sa pagtungo sa tahanan ni Eduardo ang matalinong si Leonora ay iniuutos na din sa tsuper na ang auto ay idaan lamang sa gayong mga lansanhgan at may dadalawin siyang kaibigan na kanyang naging kadalaga.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap