United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Yao nanga at pumanao ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan icapitóng cabunducan. Ito'i, lisanin co muna manga, pag-lalacad niya at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora. Parati nang tumatangis sa quinalalag-yáng silid, ang caniyang sinasambit si don Juang sinta't, ibig. Cundi ca guinamot naman nang lobo cong binitiuan, baquit di pinagbalican nang hayop cong inutusan.

Lumacad na nagtuluyan ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan sinisicatan nang Arao. Aquing lisanin na muna yaong pag-lalacad niya, at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora. Arao, gabi'i, tumatangis sa quinalalaguian'i silid, ang caniyang sinasambit, si don Juang sintá't, ibig. Cun caya humingi aco nang pitóng taóng término, si don Juan ang hintay co caya nagtitiis dito.

Si Leoning ay napapaluha na lamang halos sa bawa't sandali. Ang kanyang puso'y lihim na tumatangis. Si Eduardo nga nama'y kay daling lumimot! At, ngayon ay boo na sa kalooban ni Leoning na sadyang siya ay nilimot ni Eduardo. Aling puso nga namang tulad ni Leoning ang hindi tumangis? Aling kaluluwa ang hindi dalawin ng lungkot kung gayong maulila sa kanyang kasuyuan?

Ngumingiti siya, nguni't sa kabilang dako ay walang namamahay sa kanyang kalooban maliban sa kalungkutan at pangungulila sa kanyang iniirog. Ngumingiti siya datapwa't ang kanyang puso ay lihim na tumatangis at nalulungkot. Nakikipagsayaw siya ng mga sandaling yaon ng nguni't hindi nasisiyahan ang kanyang puso.

Natulig si Elsa n~g gayon na lamang nang maunlinigan ang ganitong saad: Teang ko, Teang ko, ang biro ng palad sa ati'y huwag mong ipagalapaap; naririto ako't hanggang huling sukat n~g ating daratni'y sumisintang tapat. ¿At tumatangis ka? ... Ang luha mong iya'y tipirin sinta ko't di pa kailangan, sa piling ng aking malamig na bangkay saka mo na roon guguling minsanan....