United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Leoning, ang ilang araw na nagdaan na di natin paguulayaw ay waring sa palagay ko'y kung ilan ng taon para sa akin. Eduardo, marahil ay hindi lamang ang puso mo ang nagkaganyan; ang kay Leoning man. Diyata! Maniwala ka. Anong sarap mong magmahal. Ganyan ka rin naman kaya? Kaya Leoning, asahan mong ang pangyayaring itong di karaniwan ay di ko na marahil malilimot pa.

Isang batisang pinagmumulan ng mga pangarap at kaaliwan para kay Leoning ang kanyang puso sa dahilang siya'y umiibig. Datapwa't sa pagkalugod ni Leoning ay parang nakatatanaw siya sa kabilang dako ng manipis na ulap: nalulugod siya sa harap ni Eduardo, nguni't iilang sandali na lamang ang itatagal ng kanilang paguulayaw at pagpapalitan ng ngiti at titig.

Kung minsan ay malarawan sa kanyang panimdim ang di bagong pangyayari na pagkakapariwara n~g matimyas na pagasa n~g isang lalaking paris niya na mapalayo sa kinaroroonan n~g kanyang giliw. Ang dalaga at ang binata, bago magtalikod sa isang pahimakas na paguulayaw, ay nagsusumpaang sinoman sa kanila ay di magmamaliw, mananatili kapwa sa kawagasan at pagtatapat hanggang sa huling tibok n~g puso.

Ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw. Kay papalad! Dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. Si Eduardo ay naliligaya sa piling ni Leoning. Si Leoning ay nalulugod sa harap ni Eduardo. Si Leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway.

Ang gabi ay tahimik at ang maliwanag na sikat ng buwan ang siya lamang nakakamalag sa dalawang pusong mapalad na yaon. Saan naroon ang dalawang ito? Saan natin sila makikita? Datapwa't kung nais natin masaksihan ang kanilang maligayang paguulayaw ay narito at madali nating makikita. Ating tingnan ang halamanang maraming bulaklakan nila Leoning.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap