United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw. Kay papalad! Dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. Si Eduardo ay naliligaya sa piling ni Leoning. Si Leoning ay nalulugod sa harap ni Eduardo. Si Leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway.
Si Eduardo, sa kandungan ni Leoning, ay waring isang paruparung na sa piling ng bulaklak na nasisiyahan sa katamisan at kabanguhang humahalimuyak. Kay papalad! Mapapalad na tinamo at inawit ang tagumpay ng puso. Si Leoning ay nasa bisig ng binata, si Eduardo ay nasa kandungan ni Leoning na puno ng buhay, puno ng ligaya at katamisan, ng pangarap.
Walang naitugon ang binata sa dalaga kundi isang halik sa mapulang labi at isang mahigpit na yakap. Kay papalad na mga puso! Salamat at walang nakasaksi sa kanila kundi ang mga bituin at ang kabilugang buwang sa kaliwanagan ay parang nakabitin sa langit. Eduardo, baka pagkatapos ng lahat ng ito ay pabayaan mo ang aking palad?