United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung mamasarapin mo ang m~ga frutas na ito, ay ituturing kong mamasarapin mo rin ang pakikipareha sa akin ngayon; datapwa't kung mapuna kong hindi mo ito ikinasisiya, ay ipalalagay ko namang magpaunlak ka ma'y napipilitan lamang.... ¡Mabuting panghuhula!

Kaya sa pagiisa ni Eduardo, pagkaalis ni Leonora ay walang naitanong sa sarili kundi: Ano ang kahulugan ng lahat ng ito? May asawa si Leonora. Ano kaya nga naman kung ito ay mamalayan ng asawa ni Leonora? Ano kung mamalayan ng asawang may iba palang minamahal? Hindi kaya mapuna ang mga pagkilos ng ganitong pagbabago ni Leoning sa kay Daniel Perez?

Si Dioni, na nagpanukala n~g pagpapayari n~g magagarang balatkayo na magagamit niya't n~g kanyang iminamahal na hipag, ay dili ang hindi nagsaloob n~g paninibago sa m~ga kilos nito, nang mapuna niyang tinatangihang pawa at sinasalubong n~g paghingi n~g paumanhin ni Elsa ang lahat n~g anyaya n~g m~ga tanyag na ginoong kaibigan at dating kasamasama sa m~ga liwaliwan, m~ga anyaya para sa isang gabi sa "Auditorium" o sa panonood kaya n~g coronacion o n~g alinman sa m~ga magaganda't malalaking kasayahang idaraos sa loob n~g karnabal.

Napamata na lamang si Dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag n~g mestisa. Ang m~ga unang kutob n~g loob niya hinggil sa gayo't ganitong maaaring maging katuturan n~g kilusa't palagayang malimit niyang mapuna sa hipag niya't kay Tirso, n~gayo'y hindi kutob lamang kundi isang katotohanan nang pinatitibaya't siyang inaamin n~g kanyang kausap.

Hindi kaya mapuna ni Daniel Perez, ang mga bagong pagkilos ni Leonorang kanyang kabiyak ng puso? Pamuling dadalawin ang binatang may sakit sa puso ng dahil sa sumpang nilimot datapwa't hindi na kaya ito mapupuna ni Daniel Perez? Si Daniel Perez, Oh! kaawaawang asawa ni Leonora! Hindi pala minamahal ng asawa! Kaawaawang lalaking hindi nagkaasawa ng kaisang matapat.

Datapwa't anong palad, nasa harapan pa lamang siya ng kanilang tahanan ay siya namang pagdating ng asawa na noo'y sakay sa kanyang autong "Cadillac". At, sa pagkamalas na iyon kay Leoning ng asawang bagong dating ay kinabahan siya ng dibdib. Ano kaya ang kanyang masasabi, hindi kaya tuloy mapuna pati ang kanyang ayos? Sinasasal ng tibok ang kanyang puso ng isang malakas na bungtonghininga.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap