United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Sawî, lasíng sa m~ga sulyáp ni Pati, sa sin~gaw n~g kanyáng malusóg na katawán, ay sumagót na magkangtututo: Isá ... dalawá ... tatló ... apat ... sampú, labínglimá ... ¡marami! ¡¡maramingmarami!! ... aywán ko na ba kung ilán. Báwa't halík ay babayaran mo n~g piso. ¡Piso!... ¿Saán hindî masasaid ang bulsá ni Sawî sa ganitóng pamamaraán ni Pati?

Tao palibhasang may katutubong hilig sa pagsulat, hilig na nalalahukan n~g sipag at tiyagang siyang pan~gunang kailan~gan sa m~ga kawal n~g panitik, gaya n~g pagiging kailan~gan n~g tikin sa isang bangka, kaya't hindi katakatakang si Pepe M.a Rivera, ang karapatdapat na Pan~gulo n~g Ilaw at Panitik, ay maantayan natin n~g lalong kisig at m~ga bun~gang hinog n~g kanyang halamang itinanim sa panahon, at n~gayo'y malusog na nagbubun~ga.

Hindî namanglaw susumandalî man si Rizal sa boong panahong siya'y nanagál sa capilla. Pati sa pagcain ay magalíng. Paano'y canyang talastás na ang dugô niyang ibubuhos n~g m~ga castila'y maguiguing malusóg na binhî sa icatútubos n~g Kinagisnang Lup

Sa matabang linang n~g kanyang pusong nabababad sa tubig n~g paggiliw, n~g paggiliw na dalisay at marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang n~g kahilihiling pagsusuyuan nila n~g makata; isang binhing palibhasa'y laging nadidilig n~g hamog n~g mayamang pagmamahal, ay patuloy na umuunlad at balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang boong pamimisagak na umaan~gat sa lupang kinahasikan....

Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ.

Datapwa't ... ¡hindi pala! ¡Ang Beaterio , na nang una'y itinuring kong isang Paraiso na katatagpuan n~g dilang luwalhati n~g babaeng banal, ay siya palang tunay na impiyerno sa balat n~g lupa, isang parusahang kinasasadlakan n~g m~ga nahihibuan n~g buktot na hatol! ¡Ang m~ga taong itong kung sabihin n~g aking m~ga ninuno'y matapat na alagad n~g Kabanalang sinugo n~g Dios upang maghasik sa daigdigang ito n~g malusog na binhi n~g Dakilang Asal, at di umano pa'y m~ga tagapagakay sa m~ga kinapal na ninitang ginhawa, ay wala pala kundi m~ga kasumpasumpang kawa n~g Pagpapakunwari na sa tulong n~g balatkayong Tumpak na Pananampalataya'y nagiging halimaw na laging uhaw na mapagsamantala sa puri at dan~gal n~g kahima't sinong mahulog sa kanilang inuumang na lambat! ... ¡Ah, n~gayon ko nakilala ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, asawa ko! ¡Dahil sa iyong pagkakasapi sa isang Kapisanang di ko nakilala, pagkasaping ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, pala sa aking pagkababae'y sukat daw upang ikaw'y pangdirihan n~g sinomang gaya kong may loob sa Dios, minarapat ko ang sa iyo'y lumimot ... pinagsisihan ko n~g gayon na lamang ang pagkakilala sa iyo ... aking ininis sa sariling dibdib ang pagsintang tumibok na kusa sa mura kong puso ... at ang kadalisayan n~g aking pan~gako ay kusang hinamak at pinapagmaliw n~g lubuslubusan ...! ¡Patawad n~ga, Tirso, ang hinihin~gi sa iyo nitong asawa mong nagbabalik-loob!...