United States or Equatorial Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pag-gaua nang ungüeento nang hagonoy ay gayon: Bumayo ca nang dahon nang hagonoy, na maminsan minsan papatacan mo nang lan~gis ó lana; saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,i, ihuhulog mo roon yaong binayo mong hagonoy, at yari na ang ungüento. Nota, Cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailan~gang doonan nang pagquit ang hagonoy.

Mabuti rin ang maputing sabón castila timbang piso arao-arao, na tinutunao muna sa tubig na inaiinit sa apoy; pag tunao na ang sabon at malamig na ang tubig, ay uubusin nang maysaquit sa isang arao yaong lahat na tubig na pinagtunauan nang sabón. Cun hindi matiis nang caniyang sicmura ang ganoong caraming sabón, ay houag uminom pagcaraca nang marami hangang hindi namimihasa pa.

Pagca tunao na, ay budburan mo nang timbang pisong albayalde, at haloing parati, bago doonan mo naman nang timbang cahating suca ó timbang cahati pa nang gata nang dayap, cun ibig mo. Pagca halo nang maigui, ay itago mo sa botellang may taquip na daluro, ó ibubu mo sa papel.

Ang timbang pisong sal de sedlitz, at ang timbang dalauang pisong laman n~g bun~ga nang sampaloc, ay ilalaga sa calahating tagayang tubig; pagca tunao na ang sampaloc, sasalain. Ito,i, dalauang inom, na ang pag-itan nang isa,t, isa,i, calahating oras. Nota. Cun ualang sal de sedlitz ang sampaloc lamang ang gagamitin. Itong gamot ay bibilhin sa botica. Ang isang cuchara,i, isang inom. Nota.

Ang pag-gaua nang pinan~gan~ganlang ungüento amarillo ay gayon: Magtunao ca sa apoy nang sahing na maputi, pagquit na dilao, sebo nang baca, lana at mantica na magcasingdami ang lahat. Pagca tunao na yao,i, hulugan mo nang binayong ugat nang dilao na ang timbang noon ay ang sa icapouong bahagui nang ibang man~ga bagay. Ito,i, turo ni Clain.

Ang ungüento sa buni gagauin mo nang gayon: Magtunao ca sa cauali nang pagquit at sahing, at pagca tunao na,i, hulugan mo nang azufreng binayo. Nota. Magaling din ang sahing na maputi na sinamahan nang pulot. Itong lahat ay turo ni Clain. N~guni ang ungüentong turo ni Tissot ay ito.

Itong gamot ay aquing guinagamit na parati sa aquin ding catauan, sapagca namasdan cong magaling sa binabalingtamad. Nota. Itong gamot hindi sucat gamitin nang babaying buntis. Itong tubig na ito,i, huhulugan n~g timbang isang salaping sal de sedlitz, sampon nang timbang dalauang pisong maná. Pagca tunao na,i, sasalain, at touing dalauang oras iinumin nang maysaquit ang isang taza.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap