United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tinawag ay hindî sumásagót. N~gunì't nápapan~gitî n~g lihim, pagkâ't noón ay nahalatâ niyáng ang makamandág na init n~g kanyáng katawán ay tumátaláb na sa pusò ni Sawî. At si Pati ay lumapítlapít pa sa kanyáng kausap, at nakatawa, nakasulyáp na sakdál n~g saráp. Si Sawî ay lalòng nan~giníg.

Nákilala ko na ang saráp n~g daing n~g nag-u-umanong puso sa pag-guiliw, ikaw ang bahala nguni't pag-isipin ang pang adyang dapat sa huling daratnin. Sa lakad n~g mundo'y panahong niniral ang isang parista'y sukat katitimbang ang lalong matatág ay nan~gahahapay sa dunong n~g isip nilang mapanglinlang.

Tuman~gis ang puso, nagluksa ang dibdib, sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig, kaya't ibinan~gon; «¡Diyos ko! ¡Diyos ko! ¡mahabaging lan~git, pawa na bang gabi, itong tinatawid!... At bago niyakap, kaharap na baliw «Sa aking inasal ako'y patawarin ...» tumbas ni Ruperto ay isang mataos, halik na mariin, «¡Tuning n~g buhay ko, kay sarap mo giliw!...»

Leoning, ang ilang araw na nagdaan na di natin paguulayaw ay waring sa palagay ko'y kung ilan ng taon para sa akin. Eduardo, marahil ay hindi lamang ang puso mo ang nagkaganyan; ang kay Leoning man. Diyata! Maniwala ka. Anong sarap mong magmahal. Ganyan ka rin naman kaya? Kaya Leoning, asahan mong ang pangyayaring itong di karaniwan ay di ko na marahil malilimot pa.

Waring nagdudulot sa kanya ng lugod ng puso at kaligayahan ng damdamin. Kay sarap ng simoy ng hangin! Anong sarap kung masanghap! Kay bango ng simoy na dala ang mga kabanguhang humahalimuyak sa mga bulaklakan! Ang gabing yaon ay isang gabing puno ng pangarap at tulain! Sa kanya, ang gabi, ay waring nagpapahiwatig ng isang kaligayahan ng puso!

Hanggang tumitibok ang puso ni Leoning. Leoning, anong sarap mo nga palang magmahal. At ang binibini ay di na nakasagot at ang mahigpit na yakap ng pagmamahal ang iginawad kay Leoning. Leoning, nasa kamay mo lamang at iyong kandungan ang lahat na kaligayahan ng aking puso, kaya hwag mo sanang lilimutin ang isang Eduardo upang hwag magkaroon ng dalamhati.

Salamat na lamang at ni ano mang balitang kumalat ay wala na siyang pinangingilagan. Mabuti at lihim na lamang na nangyari ang lahat na di naalaman ng tao. Kaya't ang pangyayaring yaong nagbigay ligalig sa di iilan ay nagdaang parang walang ano man: nalihim sa madla. Ang simoy ng hangin ng gabi ay kay sarap samyuin!

Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay cung pinipilantic niyong calungcutan, munting abala mo,i, guguling igamlay sa handog cong cayang hamac na aliuan. Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap nang minimithi mong lasang sadyang sarap, pasubalian mong isundo ang hanap upang ding palaring pita mo,i, matuclas.

Sa bisig ng aking liyag na panin~gi'y minamalas...! Oo n~ga, wala nang buhay na gaya ng akin; punong punó sa ligaya, busog sa kasayahan. Sa m~ga magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon. ¡Ah ...! ¡Anong sarap n~g buhay na gaya nitong aking taglay.... Lalabas si BALTAZARA. Tagpo VI. =Si ANGELING at si BALTAZARA.= Ang: ¡Pooooo ...!

Sa oras na masanghayâ nag bulaklak yaring tuâ at naparam ang dalita sa ligaya'y sumagana. Sol. at Lvo. Itong ating kaligayahan waring araw na sumilang ligaya'y ating kamtan dito sa pag-iibigan Anong sarap anong tamis, ang linamnam n~g pag-ibig di mandin maiwawan~gis sa ligaya n~g angeles Lalo na n~ga't kung kaulayaw ang sintang minamahal wari man din tinanglawan n~g m~ga bitui't buan. Vico.