Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 13, 2025


Pagkaalis na pagkaalis n~g dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa; inaloalo n~g matatamis na pan~gun~gusap na sukat bagang makapagpatibay sa loob ni Mauro sa m~ga nangyayari, at sabay sa m~ga pagsasalita niya'y pinagbibiyayaan n~g matutunog na halik, halik na ginaganti naman n~g lalaki n~g gayon ding tanda n~g walang maliw na pagiibigan. ¡Mapalad na lalaki ang magkaasawa n~g ganitong m~ga babai!

At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang naagaw na kortapluma at puno n~g dugo. Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang binantayan. At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na rin n~g ibang pulés na gumibik.

Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't bagay na makakaya.

Sa Hukuman n~ga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa. Sa pamamagitan n~g m~ga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan at kakilala nilang mag-asawa, at gayon n~g buhat sa m~ga kamaganakan nila, ay nangyaring si Serafina ay makakuha n~g isang abogado upang magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap n~g Hukuman.

Ako ay umaáyon. At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas. Kung gayon, ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo búkas n~g hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.

Ang ilan sa m~ga kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang m~ga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman n~g paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro. ...................................................................... ...................................................................... ...................................................................... ......................................................................

Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama. At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ... At ... ¿si Gervasio ay saan naroron? ¿Ano't sa m~ga huling pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...? Alamin natin.

At ang minarapat n~g Hukuman, pagkatapos na mapagaralan n~g boóng pagiin~gat ang m~ga pangyayari at naging sanhi n~g sigalot na namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nitó sa dalawa, ay ipinasyang mabilanggo n~g siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman.

Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang Kapisanan na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama nila sa pagawaan at sa Kapisanan.

Kung gayon ay sabihin na ninyo. At si Pablo ang nagpasimula. Kami ay naparito, kaibigang Mauro, upang kausapin ka sa isang mahalagang bagay. Siya n~ga: ang ayon ni Gervasio. Ipatuloy ninyo ani Mauro naman. Ang sanhi, ani Pablo ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa pagpasok. ¿Saan? ang nabiglang tanong ni Mauro na kumabakaba ang dibdib. Sa ating Pagawaan ang tugon ni Gervasio.

Salita Ng Araw

pinakialaman

Ang iba ay Naghahanap