Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 13, 2025


¡Mauro! ¡Mauro! ang nagkapanabay n~g dalawa. Ipatawad ninyo ani Mauro ang kaunting kabigatan n~g aking sinabi; subali't ang puso ko ang siyang naguutos; kaya't ... Huwag kang magalaala n~g anoman ang tugon ni Pablo.

Liban sa m~ga pusong walang anomang karan~galan, na gaya n~g taglay na n~ga n~g dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa m~ga pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa napapan~ganib na karan~galan ni Mauro, na di tatablán n~g isang malaking kahihiyán.

Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni Mauro. Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa haráp n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan. Huwag anya huwag.

¿Sa Pagawaan natin? , ani Pablo naman. Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi n~g dalawa.

Sa gayon ay maipakikilala natin sa haráp n~g kahit sino, na kung sakali mang may m~ga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni sinisikap kundi ang kagalin~gan at kapakanang sarili, ay mayroon din namang hindi, at isinasailalim ang m~ga kagalin~gang sarili sa kagalin~gan na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ...

M~ga kasama: ang malakas na wika ni Mauro, ¡Tayo'y huminusay! Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang loob. ¡¡Welga!! ¡¡Welga!! ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami. ¡¡Tayo'y magsiaklás...!! ang ulit n~g ilan. ¡¡Magsiaklás!! ang tugón n~g lahat. Ang lahat ay magagawa ang tugóng malakas din ni Mauro subali't, kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin.

¡Ulól! ¡Ulól! ang sigaw n~g isang tinig. Si Mauro ay napalin~gon. Sa poók na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay pinagalagala ang m~ga matá niya. Isang bagay ang kanyang namalas. Si Gervasio at si Pablo ay ligíd n~g ilang lalaki, at ang ilang itó ay nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang simulaing pinananaligan niya.

Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong sarili ay walang magagawa. Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang magiging palad n~g m~ga darating na kilusán.

Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling nito. ¿Anó, kumusta, m~ga kasama...? ang unang bati ni Mauro na nakan~giti ¿Anó ang inyong layon...? Nagkatin~ginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling ang m~ga matá kay Serafina.

Narinig nila, na ang nagsasalita ay si Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang. Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig. At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita: M~ga kamanggagawa: anya sa buháy na tinig.

Salita Ng Araw

479

Ang iba ay Naghahanap