United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tayo'y magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat. ¡Magpulong! ¡Magpulong! ang sigawan n~g lahat. Tayo nang lahat sa dulaang Rizal ang wika n~g pan~gulo. ¡Sa dulaang Rizal! ani Mauro naman. ¡Tayo na m~ga kasama...! ang ulit n~g madla. At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go.

Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin sa akin ang sanhi n~g iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko, kung ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay walang magagawang anomang tulong upang sa kasawian n~g m~ga kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay matulun~gan man lamang kita sa paghahanap n~g lunas.

Nararapat niyang tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo. Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy. At nagsipanhik. Sa haráp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo.

Kayó ang masusunod ang patuloy pa ni Mauro Ibig ninyong sa pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin n~ga natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay.

At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na ambulancia .... At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo. Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya. ¡Oh, ang tadhana!

; ¿anó ang ibig mong gawin? ang may pangdidilat pang tugón ni Pablo. Wala ani Mauro pa rin n~g boong kalamigan. Subali't, ¿anó ang dahil at ako'y tinawag mong ulól? Sapagka't ibig namin ang tugón naman ni Gervasio Ulól ka n~ga at sampu n~g iyong m~ga kasama ang sigaw pang muli ni Pablo.

Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko n~g marami ang iyong mabuting han~gad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko matatanggap kailan man ang anomang han~garing makapagpapabuti lamang sa aking sarili, n~guni't sa kapan~ganyayaan naman n~g marami. ¿Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan n~g iba? Sukat mong alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay.

Serafina ... Serafina ... ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang kamay n~g asawa ¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang sinasapit n~g m~ga manggagawa! ¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá? ¡Nagkakaisa!

Sa haráp n~g gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa madla'y sinabi: Mga kapatid; kayo'y pumayapa. At ang lahat ay natahimik.

Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang dugo ang nakita n~g lahat. Si Mauro at isa pang kasama nitó ay siyang may m~ga sugat sa bisig at ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo, na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha....

Salita Ng Araw

macalampas

Ang iba ay Naghahanap