Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 11, 2025
At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang naagaw na kortapluma at puno n~g dugo. Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang binantayan. At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na rin n~g ibang pulés na gumibik.
At, ang m~ga pulés, na buhat pa sa unang araw n~g aklasan ay tumatanod sa pagawaan, sa kahilin~gan n~g m~ga may-ari, ay naroón pa rin at di nagsisialis. Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nan~garoon ang m~ga nagsiaklás. Ang lahat ay nakatin~gin sa maluwang na pinto n~g pagawaan, at pinagmamasdan ang m~ga lumalabas at pumapasok.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap