United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Oh! ang katotohanan! kung kanyang sasabihin ang katotohanan ay kanyang lahat ang kahihiyan, sa kanyang lahat ang lagpak na kapulapulang ititingin ng tao. Magtatamo siya ng matutunog na halakhak. Bakit? Sapagka't nalalaman niya ang dila ng tao. At ano nga naman ang dila ng tao? Oh! ang dila ng tao.... Papaano nga naman ang kanyang gagawin? Dapat nga namang ilihim niya ang lahat.
Pagkaalis na pagkaalis n~g dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa; inaloalo n~g matatamis na pan~gun~gusap na sukat bagang makapagpatibay sa loob ni Mauro sa m~ga nangyayari, at sabay sa m~ga pagsasalita niya'y pinagbibiyayaan n~g matutunog na halik, halik na ginaganti naman n~g lalaki n~g gayon ding tanda n~g walang maliw na pagiibigan. ¡Mapalad na lalaki ang magkaasawa n~g ganitong m~ga babai!