United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !


Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabayá munti man sa pag aalagá, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalan~gin, nang matutong pumili nang estado, ó calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing nin~gas nang loob ang caniyang man~ga devociones, at minsan isang lingó ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion.

Tinagalog co itong munting libro, at dito maquiquita ang man~ga pagninilay at panalan~ging dapat basahin, at dasalin sa balang Domingo, nang magalab alab ang man~ga pusô natin sa pagibig, at pag hin~gi nang aua cay Jesus, María y Josef: at asahan nang sinoman na ipagcacaloob nila ang man~ga biyayang ninanasa natin, cun mararapat sa capurihan nang Dios, at sa cagalin~gan nang caloloua.

¡Aba liniliyag cong Amang si san Agustín! yayang nagnin~gas ang iyong puso na parang arao, na hindi napupugnao, at hiualay man sa catauan, ay nagbibigay pagcatotoo at ipinaquiquita nang moli,t, moling paglulucso ang alab at nin~gas nang sinta sa Dios, na namahay sa iyong dibdib, at icao rin ang nagpahayag at nagcompisal nang pagca icao ay nasugatan nang palasong sinta; aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong mahal, na alang-alang dito sa camahal-mahalang alab, ay dalan~ginin mo sa Pan~ginoon Dios, ang aco,i, siga,t, sunoguin nang quidlat nang sinta sa caniya, at nang cun masan~gag at luminis ang aquing dibdib, ang Dios na lamang ang ouia,t, patun~guhan nang dilang pita,t, nasa nang loob co; at gayon din namang aco,i, nagaamo-amo sa iyo na idalan~gin mo rin sa caniya itong aquing hinihin~gi sa pagnonovenas na ito, cun macacaayon at mararapat sa panininta sa Dios, at nang cun matularan co ang malinis mong sinta dito sa buhay na ito, ay maguing dapat acong masama at maramay sa iyong magnin~gas niyong sintang mapalad na inaasahan nang aquing caloloua, na hindi matatapos magparating man saan.

Kaya kung ang iyong pagsinta ay tunay at ibig mong ako'y maging kapalaran ay pagpilitan mong humanap nang dan~gal nang ang pagsinta mo ay hindi masayang. Sa dahilang kapag dugo nang mataas ikaw, sa kay Ama'y kusang mararapat at siya'y wala na namang ipipintas sampung tanang man~ga konseherong lahat.

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap