Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 27, 2025


At icao naman Salomón nang man~ga cristiano, calarahin mo aco sa Pan~ginoon Dios, at caniyang ipagcaloob sa aquin, at tuloy pa namang pacamtan sa aquin itong aquing hinihin~gi sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun paratihin cang purihin nang aquing caloloua, ay tumouid ang man~ga hacbang nang aquing buhay, hangan di sumapit at mahanganan sa caguinhauahang ualang hangan. Siya naua.

Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo.

Inilalangcap co nama,t, pinipintacasi ang man~ga carampatan nang calin~gas-lin~gas na Virgeng si Guinoong santa María, at nang calahat-lahatang ángeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay ang Ama cong liniliyag na si san Agustín, at ang ampon niya,t, saclolo ang ninanasa co,t, hinahan~gad dito sa pagnonovenas na ito.

At sa iyo naman, Ama cong liniliyag, ang hinihin~gi co, ay pacundan~gan sa catacataca mong pagbabalic loob sa Pan~ginoon Dios, ay idalan~gin mo aco sa caniya nitong aquing idinaraing; at ang hinihin~gi co pa naman dito sa pagnonovenas na ito, ay inaasahan co ring cacamtan, pacundan~gan sa ampon at man~ga carapatan mo, nang maran~gal at mabantog ang caalaman nang Dios sa aquing magparating man saan.

At sa iyo naman, Santo,t, Pantas na Doctor, dumaraying din aco na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nitong capacumbabaang loob, sampon nang hinihin~gi co sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun mahouaran co ang cababaan mong loob, ang Dios na nagpaparan~gal at nagpapala sa mababang loob, ay pagpalain niya acong papagcamtin nang corona sa caloualhatian sa Lan~git. Siya naua.

Salita Ng Araw

gagcacapisan

Ang iba ay Naghahanap