United States or Botswana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cahimanauari ang man~ga loob nang man~ga tauo, ay man~ga sulong at magsipanibulos na pagdongdon~gang pan~gadying, nang macamtan nila ang lubhang maalam at macapanyarihang ampon at saclolo nang manin~gas na puso ni san Agustín na pinaglaosan nang tunod, sampon nang man~ga cabanalan at graciang hinihin~gi dito sa Novenas na ito; siya cong nasa,t, pita, siya co rin namang iniamo-among idinaraing, idinadalan~gin at hihin~gi sa Dios Ama na macapangyarihang tunay, sa Dios Anac na carunun~gang lubos, at sa Espíritu Santong apoy na sintang tibobos, iisang Dios na totoo, na nabubuhay at naghahari magparating man saan.

Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay tingnan mo at ipanalan~gin, nang si Jesús ay huag mauala sa amin cailan man dahilan sa casalanang mortal; at cun mangyari sa amin ang ganoong capahamacan, ihin~gi mo cami nang tunay at manin~gas na pagsisisi, nang matutuhan naming hanapin, at maquita ang maauaing Jesús: at hin~gin mo sa caniya na cami ay patauarin, lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang macamtan namin ang calualhatian nang Lan~git, at doon puríhin sa casamahan mo ang auâ niya magparating man saan.

Pan~ginoon namin Dios, na sa mataas na carunun~gan nang iyong pamamahalá, ay pinili mo si San Josef, na naguing Esposo nang cabanalbanalan mong Ina: ipagcaloob mo sa amin, yayamang siya ay quiniquilalang Pintacasi, at iguinagalang dito sa lupa, na cami ay tulun~gan nang macapangyarihan pamamaguitan niya sa Lan~git, na tinatahanan mo, at pinaghaharian casama nang Ama, at nang Espíritu Santo magparating man saan.

Tayo naman ay magpacababá at umalinsunod sa calooban nang Dios, n~g paquinaban~gan natin magparating man saan sa Lan~git ang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesus. Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa Egipto si Jesus at si María dahilan sa pag usig ni Herodes.

At sa iyo naman, Ama cong liniliyag, ang hinihin~gi co, ay pacundan~gan sa catacataca mong pagbabalic loob sa Pan~ginoon Dios, ay idalan~gin mo aco sa caniya nitong aquing idinaraing; at ang hinihin~gi co pa naman dito sa pagnonovenas na ito, ay inaasahan co ring cacamtan, pacundan~gan sa ampon at man~ga carapatan mo, nang maran~gal at mabantog ang caalaman nang Dios sa aquing magparating man saan.